Pag sa patalinuhan ang paguusapan, average lang ako,' yung sakto lang. Hindi ako sobrang talino ,'yung sakto lang. Minsan, nakikinig sa teacher, minsan hindi. Ngayoong Senior High School lang ako natutong mag-review kasi 'pag hindi ako nagreview, babagsak ako; sayang lang 'yung tuition.
Yung imagination ko malawak. Lagi kong iniimagine 'yung mga posibilities na mangyayari. Minsan nagiging over acting na'ko gawa ng imagination ko. Pero di ko iniimagine 'yung mga nakakatakot baka hindi ako makatulog.
Sa common-sense naman kung irerate ko yung sarili ko ito siguro 9, kasi minsan kailangan pang ulitin bago ko maintindihan. Sa judgment naman 1-10 siguro 9 din kasi minsan di tugma 'yung judgemental ko sa isang tao.
Ang pananaw ko sa buhay ay "wag mong aaksayahin ang pagkakataon na ibinigay sa'yo" kasi, hindi naman lahat ng tao nabibiyayaan na makapagaral kaya dapat hindi mo ito sasayangin. Sa mga problema na dumadating sa akin kahit na mahirap, madali kailangan ko itong harapin kasi ang problema hindi pwedeng takasan.
Sabi nila, may talent daw ako sa pagkanta. Dati, sumali ako sa Glee Club noong Junior High ako sa Quezon High at calligraphy. Gusto ko pang i-push 'yung talent kong 'yun kasi, maganda ding hobby. Pagdating sa pagsasayaw, din ako walang talent pero nung elementary ako lagi akong nasayaw sa stage, 'di ko alam kung bakit nawalan ako ng gana.
Ang biggest success ko sa buhay ngayon ay nakakapag-aral ako dahil hindi lahat nabibigyan ako ng pagkakataon. At,'yung biggest failure ko naman ay magkaroon ng failing grades; ang hirap kasi ng Senior High. Ang main ambition ko ay maging isang guro pero bago 'yun, dapat muna akong makapagtapos ng pag-aaral.
At ang tatlong kinakatakutan ko ay, una mawala ang pamilya ko kasi ever since and'yan na sila para sa'kin. Pangalawa, ay multo. Ewan ko, natatakot talaga ako kaya hindi nanunuod ng Horror movies. Pangatlo, ayoko rin 'pag madilim pero pag natutulog ako patay 'yung ilaw.
At ang tatlong kinagagalit ko ay 'pag walang galang. Naiinis ako 'pag walang galang sa'kin 'yung mga kapatid ko at pinsan ko. Maingay ayoko sa maiingay, naririndi ako pero maingay naman ako. Ayoko ring 'pag masyadong makulit, naririndi ako; paulit-ulit.
Nagiging guilty ako 'pag sinasagot ko si Mama at Papa kaya pag sinasagot ko sila naiyak ako pagkatapos. Tatlong pinapahalagahan ko sa buhay ay ang Diyos at ang pamilya ko, mahal sa buhay at pera. Tatlong hindi masyadong pinahahalagahan ay mga accessories, bags, at damit.
Ang relihiyon ko ay Roman Catholic since birth, ganoon din ang aking pamilya. Tatlong bagay na hindi gagawin ay ang mag-drugs, kasi masama 'yung at nakakasira ng buhay at manigarilyo dahil masama 'yun sa kalusugan madaming maaapektuhan pag nanigarilyo. At pumatay ng tao.
Lumaki ako sa bahay na simple lang, masaya, minsan may problema. Typical lang akong babae at madaming kaibigan. Buo ang pamilya at kabilang ako sa kanila dahil pamilya rin nila ako.
Dati noong bata ako, si Papa ang naghahanapbuhay. Naging OFW si Papa sa Saudi, bumalik din dito. Ngayon naman si Mama ang nagtratrabaho para sa amin dahil nagkasakit si Papa. Nagtratrabaho si Mama bilang beautician sa Glean & Glam Salon, 'di ko alam kung magkano 'yung kinikita niya 'di niya sinasabi sa'kin.
Ang Childhood ko ay sobrang saya kasi naranasan kong maglaro ng patintero,tumbang preso,tauan,chinese garter,bahay-bahayan at lutulutan. Di pa uso noon ang mga online and offline games kaya lahat ng bata tuwing hapon hanggang gabi nasa labas para maglaro. Kaming magkakapatid madalas mapagalitan kasi nauwi kami nang sobrang pawisan.
Noong elementary ako sa public schools ako pumasok kamingmagkakapatid malapit lang sa bahay namin-walking distance. Nung naghighschool naman ako public school pa rin, kasi malapit lang din sa bahay namin 'yung school. Likod lang ng school 'yung bahay ko. Ngayon namang Senior High School, sa private ako nag-aaral, CALAYAN EDUCATIONAL FOUNDATION INC.
Paborito kong subject ngayon ay DISS kahit mahirap. Ang ayoko namang subject ay Statistics and Probability 'di ko kasi maintindihan.
Hindi ako sikat simula noong bata ako. Hanggang ngayon typical girl lang ako. Hindi rin ako active sa mga organizations ngayon sa school. Pero dati active ako.
Ako ay nakatira sa #32Habito St. Iba. Iyam Lucena City. masaya kaming nakatira ngayon sa bahay namin, kahit sa apartment lang kami nakatira.
Ang bestfriend ko ngayon ay si Moy-moy kasi madami kaming memories at boyfriend ko din sya. Wala naman akong kaaway ngayon. Hindi ako mahilig makipag-away
Ang hobbies ko ay mag-take ng pictures at nagka-calligraphy. Ang huli kong napanuod na movie ay GROWN UPS kasama si Moy-moy. Ang huli kong nabasa na libro ay Paper Towns by John Green.
Ang mahalaga ngayon sa buhay ko ay ang Pamilya ko at si Moy-moy. Kasi sila ang inspirasyon ko. Masaya ako tuwing kasama ko sila.
Kung hahanapin niyo ko o may ipapadala kayong sulat ang address ko ay #32 Habito St. Iba. Iyam Lucena City. Sabihin niyo lang 'yung pangalan ko Krisha Mae F. Francisco.Papasok kayo dun sa may pathway du'n 'yung bahay namin.
Yung bahay namin, apartment; matagal na rin kami simula kindergarten pa lang ako lumipat na kami dun. 12years na kami du'n. Ayos naman 'yung mga kapit-bahay namin kaso ang iingay nila 'pag umaga; maririnig na lang 'pag tinatawag nila yung anak nila na nasigaw 'pag tinatawag. Pwede namang lumapit na lang kung tatawagin. Tapos, 'pag gabi, ang iingay ng mga nag-iinuman.
Nagre-rent lang kami. 1,800 ang bayad namin sa apartment. Ang kasama ko sa bahay ay si Papa Ishmael Francisco,Mama Christina Francisco, at ang dalawa kong kapatid na sina Christian Joseph Francisco at Jilliane Marie Francisco. Ayos naman 'yung pakikisama ko sa kanila.
Yung bahay namin, maayos naman minsan makalat. Ang paborito kong are sa bahay ay ang aming salas kasi du'n nakakapanuod ako ng TV shows. Ang hindi ko naman masyadong gusto ay kitchen, kasi sikip.
Ang hitsura ng bahay namin ay may salas, dalawang kwarto, kusina. Walang CR kasi nakahiwalay yung CR du'n sa bahay na tinitirhan namin.
Ang pinakamasaya na nangyari sa bahay namin ay nu'ng New Year 2015. Kasi sa bahay kami magcecelebrate kasama yung mga kamag-anak namin.