Wednesday, February 8, 2017
Art for Human Rights Day
Alas otso pa lang noong sabado, December 10, 2016 ay nasa labas na agad ako ng Metro Gaisano para intayin 'yung mga kaklase ko. Akala ko noong una sa open ground ng Metro Gaisano ito gaganapin. Dahil sa weather condition noong sabado, sa Pacific Mall Event Center ginanap ang event na Art for Human Rights Day. Ang nag-host ng event ay "Anak ng Quezon" at iba pang grupo para sa mga performances nila. Nag-explain sila tungkol sa karapatan natin bilang nga tao, kung aware tayong nilalabag ang karapatan natin. Habang iniintay 'yung mga artist para sa live art. Nag-perform muna si Oyir Lorico ng poetry performance, nasundan ito ng mga nag-perform galing sa ibang sections ng HUMSS. At may mga kumanta at nagmash-up ng kanta. Pagkatapos maglabas ng mga talent, nagpalabas sila ng short films at isa sa mga pinalabas ay tungkol sa extra judicial killings na tumataas na kaso ngayon.
At isa pa ay may bata na naglalaro, tapos bigla na ang niyang nilibing 'yung isang manika; ibig sabihin, kailangan bigyan ng malay ang mga bata tungkol sa Human Rights. Mahalaga na dapat nating malaman ang karapatan natin bilang tao at maging aware tayo dito upang ito ay hindi malabag.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment