Thursday, March 30, 2017

Pangarap ko kasi yun

     Si Ma'am Sel ay isang grade 5 teacher sa isang public school. Kwento niya sa akin lumaki siya sa Marinduque. Bunso sa tatlong magkakapatid. Ang trabaho ng tatay niay ay karpentero noon at ang nanay naman niya ay namasukan bilang katulong dito sa Lucena noong nagsimulang mag-aral ang ate niya ng kolehiyo sa Manuel S. Enverga University.
     ''Ilang taon din akong tumigil ng pag-aral sabi ni Nanay tumigil daw muna ako si Kuya daw muna 'yung mag aaral magseaseaman dapat yun kao tumigil din sa pagaaral para sa anaj niya, may maayos syang tarbaho ngayon sa ibang bansa''.
     '' Noong tumigil ako sa pag aaral dito ako tumira sa Lucena kasama 'yung pamilya ng ate ko. 16 years old pa lang ako nagtrabaho na agad ako sa grocery store sa bayan ''
      Noong mga panahong nagtratrabaho siya bigla daw syang tinanong nang nanay niya kung gusto pa daw niyang mag aral. Sabi niya ''Noong una parang ayaw ko kasi 22 na o tapos 'yung mga kaklase ko 17 pero nagenroll pa din ako tapos kinuha kong kurso ay Education dun ako nagkatira sa bahay ng ate ko noong nag aaral ako.''
      '' Pagkagraduate ko kumuha ako ng LET kaso nga lang hindi ako nakapasa. Tapos nung kinasal ako hindi na muna ako nagexam.''
     '' Biniyaan kami ng tatlong anak na babae. Nag exam ulit ako ng LET at sa wakas! nakapasa na ko"' napangiti ako noong sinabi niya iyon dahil pangarap ko din maging guro. Noong una ilang taon din siyang nagvolunteer sa kindergarten sa public school. At nitong 2016 napermnent siya bilang isang guro sa public school Grade 5 teacher.

No comments:

Post a Comment