Thursday, March 30, 2017

Minamahal naming Pangulong Rodrigo Roa Duterte,

     Simula po noong mahalal ka bilang bagong pangulo unti- unting nagbago ang ating bansa. Tuwing gabi, alas otso, wala nang makikitang taong naglalakad sa kalsada, wala ng mga kabataan ang nakatambay. Napapanuod ko sa balita na nagpapatupad na ang ibang lugar ng curfew. Isa pa sa mga napapanuod ko sa telebisyon ay ang tungkol sa inyong kampanya na '' war on drugs '' magandang kampanya ito na labanan ang droga upang wala ng ng masirang buhay.
     Sinimulan ni'yo po ang pagtuligsa sa droga sa pamamagitan ng ''Oplan Tokhang'' pinagti[pon-tipon ang ang mga gumagamit ng droga upang manga ko na hindi na muling gagamit ng droga at magtulak ng droga. Isang magandang hakbang ito para sa mga gumagamit ng droga upang mag-bagong buhay. Ngunit, nakakabahala ang balitang tumataas ang kaso ng Extra Judicial Killing dahil sa Oplan Tokhang na nasasama o napapatay ang mga taong gumagamit ng droga. Karaniwan sa mga napapatay ang mga gumagamit at nagtutulak ng droga. Mga napapatay dahil 'pag ni-raid 'yung kanilang bahay o hide-out ay lumalaban sa pulisya.
     Sana po ay maaksyunan po itong kaso ng Extra-Judicial Killing. Ngunit lubos ko po kayong hinahangaan sa inyong katapangan bilang isang pangulo. Unti-unting natutuligsa ang kaso ng droga dito sa ating bansa. Sana po ay maging mapayapa ang paglabanniyo sa droga. Hinahangaan ko po ang inyong dedikaspn sa pamumuno ng ataing bansa dahil nakikita ko po ang pagbabago ng ating bansang Pilipinas. 

Lubos na gumagalang,
Krisha Mae F.Francisco

No comments:

Post a Comment