Wednesday, February 8, 2017

TRAHEDYA



                               Trahedya
             Tacloban - kung saan madaming nasalantang tao at mga ari-arian dulot ng bagyong Yolanda.
Sinimulan 'yung pelikulang "Taklub" sa panibagong suliraning hinarap ni Renato na pinagbidahan ni Lou Veloso. Nasunugan sila. Parang sa simula pa lang, wala na agad na pag-asa 'yung mga nasalanta ng bagyo.
             "Ito ay senyales na nasa atin ang Panginoon," sabi ni Larry. Nabanggit ito nung nahukay niya 'yung krus. Kahit na madaming sakuna na dumating sa kanila hindi sila nawawalan ng pag-asa.
             Sabi ni Direk Brillante Mendoza na inimumulat ng kanyang gawang pelikula ang katotohanan. Parang hindi puro happy ending ang nangyayari sa buhay ng tao: ito ang gusto niyang iparating sa manonood.
             Isang trahedya ang ang nangyari sa mga taga-Tacloban tulad na lang sa mga napapanuod ko sa balita. Sobrang naging mahirap 'yung buhay nila after nung bagyo. Madaming basa ang nagdonate para sa rehabilitation ng mga nasalanta.
             'Yung napanuod ko na pelikula ay hidi tungkol sa happy ending, kundi tungkol sa reality ng buhay. Sana naging maganda 'yung ending kasi nakakbitin parang gusto ko pang alamin 'yung nangyari sa buhay ng mga tauhan sa pelikula. Sana ang ending ay malaman ni Bebeth kung saan nakalibing ang libi ng kanyang mga anak na nasalanta ng bagyo. At naging maagap din ang rehabilitation ng mga bahay ng biktima ng bagyong Yolanda.

No comments:

Post a Comment