Thursday, February 9, 2017

Foods at the streets of Lucena City




Buko juice mura na matipid pa. A refreshing beverage that you can buy in a cheap amount.


 Balot is a developing embreyo of a duck. It is eaten out  of it's shell.

 Bitukang baboy also known as Chicharong bulaklak it can be dipped in a spicy vinegar.



 Manggang hilaw with bagoong. 


 Inihaw na saba. It in the bamboo stick that is grilled.



 Adobong mani at maning hubad. This food can be bought in Php 5, Php 10.


 Japanese Cake. It is a small size of cake that filled with cheese.


This food that is being fried by Kuya Tindero are Dynamite a siling haba filled with cheese and wrapped, fishball, and tokwa.

Wednesday, February 8, 2017

    Pag sa patalinuhan ang paguusapan, average lang ako,' yung sakto lang. Hindi ako sobrang talino ,'yung sakto lang. Minsan, nakikinig sa teacher, minsan hindi. Ngayoong Senior High School lang ako natutong mag-review kasi 'pag hindi ako nagreview, babagsak ako; sayang lang 'yung tuition.
    Yung imagination ko malawak. Lagi kong iniimagine 'yung mga posibilities na mangyayari. Minsan nagiging over acting na'ko gawa ng imagination ko. Pero di ko iniimagine 'yung mga nakakatakot baka hindi ako makatulog.
    Sa common-sense naman kung irerate ko yung sarili ko ito siguro 9, kasi minsan kailangan pang ulitin bago ko maintindihan. Sa judgment naman 1-10 siguro 9 din kasi minsan di tugma 'yung judgemental ko sa isang tao.
    Ang pananaw ko sa buhay ay "wag mong aaksayahin ang pagkakataon na ibinigay sa'yo" kasi, hindi naman lahat ng tao nabibiyayaan na makapagaral kaya dapat hindi mo ito sasayangin. Sa mga problema na dumadating sa akin kahit na mahirap, madali kailangan ko itong harapin kasi ang problema hindi pwedeng takasan.
    Sabi nila, may talent daw ako sa pagkanta. Dati, sumali ako sa Glee Club noong Junior High ako sa Quezon High at calligraphy. Gusto ko pang i-push 'yung talent kong 'yun kasi, maganda ding hobby. Pagdating sa pagsasayaw, din ako walang talent pero nung elementary ako lagi akong nasayaw sa stage, 'di ko alam kung bakit nawalan ako ng gana.
    Ang biggest success ko sa buhay ngayon ay nakakapag-aral ako dahil hindi lahat nabibigyan ako ng pagkakataon. At,'yung biggest failure ko naman ay magkaroon ng failing grades; ang hirap kasi ng Senior High. Ang main ambition ko ay maging isang guro pero bago 'yun, dapat muna akong makapagtapos ng pag-aaral.
    At ang tatlong kinakatakutan ko ay, una mawala ang pamilya ko kasi ever since and'yan na sila para sa'kin. Pangalawa, ay multo. Ewan ko, natatakot talaga ako kaya hindi nanunuod ng Horror movies. Pangatlo, ayoko rin 'pag madilim pero pag natutulog ako patay 'yung ilaw.
    At ang tatlong kinagagalit ko ay 'pag walang galang. Naiinis ako 'pag walang galang sa'kin 'yung mga kapatid ko at pinsan ko. Maingay ayoko sa maiingay, naririndi ako pero maingay naman ako. Ayoko ring 'pag masyadong makulit, naririndi ako; paulit-ulit.
    Nagiging guilty ako 'pag sinasagot ko si Mama at Papa kaya pag sinasagot ko sila naiyak ako pagkatapos. Tatlong pinapahalagahan ko sa buhay ay ang Diyos at ang pamilya ko, mahal sa buhay at pera. Tatlong hindi masyadong pinahahalagahan ay mga accessories, bags, at damit.
    Ang relihiyon ko ay Roman Catholic since birth, ganoon din ang aking pamilya. Tatlong bagay na hindi gagawin ay ang mag-drugs, kasi masama 'yung at nakakasira ng buhay at manigarilyo dahil masama 'yun sa kalusugan madaming maaapektuhan pag nanigarilyo. At pumatay ng tao.
    Lumaki ako sa bahay na simple lang, masaya, minsan may problema. Typical lang akong babae at madaming kaibigan. Buo ang pamilya at kabilang ako sa kanila dahil pamilya rin nila ako.
    Dati noong bata ako, si Papa ang naghahanapbuhay. Naging OFW si Papa sa Saudi, bumalik din dito. Ngayon naman si Mama ang nagtratrabaho para sa amin dahil nagkasakit si Papa. Nagtratrabaho si Mama bilang beautician sa Glean & Glam Salon, 'di ko alam kung magkano 'yung kinikita niya 'di niya sinasabi sa'kin.
    Ang Childhood ko ay sobrang saya kasi naranasan kong maglaro ng patintero,tumbang preso,tauan,chinese garter,bahay-bahayan at lutulutan. Di pa uso noon ang mga online and offline games kaya lahat ng bata tuwing hapon hanggang gabi nasa labas para maglaro. Kaming  magkakapatid madalas mapagalitan kasi nauwi kami nang sobrang pawisan.
    Noong elementary ako sa public schools ako pumasok kamingmagkakapatid malapit lang sa bahay namin-walking distance. Nung naghighschool naman ako public school pa rin, kasi malapit lang din sa bahay namin 'yung school. Likod lang ng school 'yung bahay ko. Ngayon namang Senior High School, sa private ako nag-aaral, CALAYAN EDUCATIONAL FOUNDATION INC.
    Paborito kong  subject ngayon ay DISS kahit mahirap. Ang ayoko namang subject ay Statistics and Probability 'di ko kasi maintindihan.
    Hindi ako sikat simula noong bata ako. Hanggang ngayon typical girl lang ako. Hindi rin ako active sa mga organizations ngayon sa school. Pero dati active ako.
    Ako ay nakatira sa #32Habito St. Iba. Iyam Lucena City. masaya kaming  nakatira ngayon sa bahay namin, kahit sa apartment lang kami nakatira.
    Ang bestfriend ko ngayon ay si Moy-moy kasi madami kaming memories at boyfriend ko din sya. Wala naman akong kaaway ngayon. Hindi ako mahilig makipag-away
    Ang hobbies ko ay mag-take ng pictures at nagka-calligraphy. Ang huli kong napanuod na movie ay GROWN UPS kasama si Moy-moy. Ang huli kong nabasa na libro ay Paper Towns by John Green.
    Ang mahalaga ngayon sa buhay ko ay ang Pamilya ko at si Moy-moy. Kasi sila ang inspirasyon ko. Masaya ako tuwing kasama ko sila.
    Kung hahanapin niyo ko o may ipapadala kayong sulat ang address ko ay #32 Habito St. Iba. Iyam Lucena City. Sabihin niyo lang 'yung pangalan ko Krisha Mae F. Francisco.Papasok kayo dun sa may pathway du'n 'yung bahay namin.
    Yung bahay namin, apartment; matagal na rin kami simula kindergarten pa lang ako lumipat na kami dun. 12years na kami du'n. Ayos naman 'yung mga kapit-bahay namin kaso ang iingay nila 'pag umaga; maririnig na lang 'pag tinatawag nila yung anak nila na nasigaw 'pag tinatawag. Pwede namang lumapit na lang kung tatawagin. Tapos, 'pag gabi, ang iingay ng mga nag-iinuman.
    Nagre-rent lang kami. 1,800 ang bayad namin sa apartment. Ang kasama ko sa bahay ay si Papa Ishmael Francisco,Mama Christina Francisco, at ang dalawa kong kapatid na sina Christian Joseph Francisco at Jilliane Marie Francisco. Ayos naman 'yung pakikisama ko sa kanila.
    Yung bahay namin, maayos naman minsan makalat. Ang paborito kong are sa bahay ay ang aming salas kasi du'n nakakapanuod ako ng TV shows. Ang hindi ko naman masyadong gusto ay kitchen, kasi sikip.
    Ang hitsura ng bahay namin ay may salas, dalawang kwarto, kusina. Walang CR kasi nakahiwalay yung CR du'n sa bahay na tinitirhan namin.
    Ang pinakamasaya na nangyari sa bahay namin ay nu'ng New Year 2015. Kasi sa bahay kami magcecelebrate kasama yung mga kamag-anak namin.

Art for Human Rights Day




Alas otso pa lang noong sabado, December 10, 2016 ay nasa labas na agad ako ng Metro Gaisano para intayin 'yung mga kaklase ko. Akala ko noong una sa open ground ng Metro Gaisano ito gaganapin. Dahil sa weather condition noong sabado, sa Pacific Mall Event Center ginanap ang event na Art for Human Rights Day. Ang nag-host ng event ay "Anak ng Quezon" at iba pang grupo para sa mga performances nila. Nag-explain sila tungkol sa karapatan natin bilang nga tao, kung aware tayong nilalabag ang karapatan natin. Habang iniintay 'yung mga artist para sa live art. Nag-perform muna si Oyir Lorico ng poetry performance, nasundan ito ng mga nag-perform galing sa ibang sections ng HUMSS. At may mga kumanta at nagmash-up ng kanta. Pagkatapos maglabas ng mga talent, nagpalabas sila ng short films at isa sa mga pinalabas ay tungkol sa extra judicial killings na tumataas na kaso ngayon.
At isa pa ay may bata na naglalaro, tapos bigla na ang niyang nilibing 'yung isang manika; ibig sabihin, kailangan bigyan ng malay ang mga bata tungkol sa Human Rights. Mahalaga na dapat nating malaman ang karapatan natin bilang tao at maging aware tayo dito upang ito ay hindi malabag.

TRAHEDYA



                               Trahedya
             Tacloban - kung saan madaming nasalantang tao at mga ari-arian dulot ng bagyong Yolanda.
Sinimulan 'yung pelikulang "Taklub" sa panibagong suliraning hinarap ni Renato na pinagbidahan ni Lou Veloso. Nasunugan sila. Parang sa simula pa lang, wala na agad na pag-asa 'yung mga nasalanta ng bagyo.
             "Ito ay senyales na nasa atin ang Panginoon," sabi ni Larry. Nabanggit ito nung nahukay niya 'yung krus. Kahit na madaming sakuna na dumating sa kanila hindi sila nawawalan ng pag-asa.
             Sabi ni Direk Brillante Mendoza na inimumulat ng kanyang gawang pelikula ang katotohanan. Parang hindi puro happy ending ang nangyayari sa buhay ng tao: ito ang gusto niyang iparating sa manonood.
             Isang trahedya ang ang nangyari sa mga taga-Tacloban tulad na lang sa mga napapanuod ko sa balita. Sobrang naging mahirap 'yung buhay nila after nung bagyo. Madaming basa ang nagdonate para sa rehabilitation ng mga nasalanta.
             'Yung napanuod ko na pelikula ay hidi tungkol sa happy ending, kundi tungkol sa reality ng buhay. Sana naging maganda 'yung ending kasi nakakbitin parang gusto ko pang alamin 'yung nangyari sa buhay ng mga tauhan sa pelikula. Sana ang ending ay malaman ni Bebeth kung saan nakalibing ang libi ng kanyang mga anak na nasalanta ng bagyo. At naging maagap din ang rehabilitation ng mga bahay ng biktima ng bagyong Yolanda.